Napa-isip ako(Tagalog Philosophy of Love)
Nagmahal na ba kayo? Ewan ko kung bakit ito ang napili kung tanong para sa inyo. Napakalayo naman ng tanung na ito sa aking pagiging pilosopo. Paano ba makakahanap ng katotohanan sa gitna ng kasinungalingan? Ito sana ang tipo ng tanong ng isang nag-aaral sa kursong pilosopiya. Siguro napili ko ito dahil ang pilosopiya ay konektado rin sa buhay ng tao at ang kakayahang umibig ay natural sa tao.
Naranasan ko maging tao kaysa maging pilosopo.Tumigil akong magtanong ng kung anu-ano. Kawawang Thales,nakalimutan ko na yata ang unang pilosopo dahil nagsimula akong mangarap at umibig ng totoo. Ano ba ang nasa pag-ibig ,kailangan ba nito ang pambihirang talino? Sabi pa nga ni Amang Plato, meron daw tinatawag na unibersal na katotohanan. Ano kaya ang ibig sabihin ng matandang ito? Ang alam ko, karamihan ay nagiging bobo kapag ang puso na ang nag-alboroto.
Okey nasana ang umibig at magpakabobo rito, ang problema kung ang iyong sinisinta ay ayaw sa iyo,kawawang kupido,malaking trabaho ito. Kailangan ba talaga na may kapalit ang pag-ibig mo? Sa naaalala ko, hindi ito ang itinuro ng minsan naging guro ko. Dapat daw umibig ng walang hinihintay na kapalit, ito raw ang tunay na pag-ibig ng isang katoto. Akala ko pa naman na ang lahat ng pag-ibig ay gaya sa mga pelikula na sa hulihan nagiging Masaya.
Balik uli tayo sa estorya ng pag-ibig ko, atleast masaya pa rin ako,Masaya akong umibig at magpakatotoo. Di ba romantiko ang banat kapag sinabi ko na "maghihintay ako sayo", nakakalito talaga ito. Ang pag-ibig nga naman,ang laking misteryo. Inaamin ko na kahit sa dulo ng pahinang ito, hindi pa rin maabot ng kawawang pilosopo ang rurok ng kapangyarihan ng pag-ibig.
Sa hulihan ng aking pagkabobo,sinadya ko talagang hindi ituwid ang aking mga argumento, di' ba masarap ang umibig na limot mo ang mundo?

Source...